PATULOY ang on-the-ground operations ng Rapid Response Team (RRT) mula Overseas Workers Welfare Adminstration at Department of Migrants (OWWA – DMW), katuwang ang Philippine Consulate General (PCG) Frankfurt at PCG Milan, para personal na matutukan ang kalagayan at kailangan ng mga Pilipinong naapektuhan ng A96 bus accident at kanilang mga pamilya.
Sa pinakahuling monitoring, tatlo sa Pilipino ang nananatiling nakaratay at tumatanggap ng kailangan medical treatment.
Ang mga ito ay susuportahan at imo-monitor habang sila ay nagpapagaling.
Samantala, walong kababayan ang natulungang makabalik sa Milan sa pamamagitan ng koordinasyon ng RRT, PCG Frankfurt at PCG Milan, MWO Berlin at MWO-OWWA Milan, kabilang ang iba pang katuwang na tanggapan.
Personal na bumisita sina OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan, DMW Undersecretary Jainal T. Rasul Jr., at Consul General Marie Yvette Banzon Abalos, sa mga kababayang nagpapagamot para kumustahin ang kalagayan upang matiyak ang kailangan suporta habang sila ay nagpapagaling.
Pinasalamatan ng OWWA at DMW ang mga doktor, nurses, hospital staff, at pamunuan ng ospital sa Landsberg at ng iba pang ospital nag-aalaga sa mga kababayan
mula nang maaksidente, hindi nila pinabayaan ang mga kababayan at patuloy silang katuwang sa kanilang paggaling.
Labis din ang pasasalamat sa ating mga kapwa Pilipino sa Germany na agad na tumulong.Sa gitna ng trahedya,mayroon din mga kababayan nagbigay ng pagkain, transportasyon, matutuluyan, at personal na pag-alalay sa mga naapektuhan.
Malaking tulong ang kanilang malasakit at bayanihan sa ating mga kababayan sa oras na kailangan nila ito.
Pinuntahan rin ang morgue at nakipag-ugnayan sila sa mga pamilya at awtoridad para sa dokumentasyon at repatriation arrangements para sa labi ng dalawang nasawi sa aksidente.
Tinutulungan ang kanilang mga pamilya habang inaasikaso ang lahat ng kailangan dokumento at proseso upang maiuwi sa Pilipinas ang kanilang mga mahal sa buhay.
Patuloy ang pagtulong ang apat na nasa ospital pati sa mga kababayang makabalik sa Milan.
Inaalalayan ang mga pamilyang naulila at pag-asikaso sa repatriation ng dalawang nasawi, patuloy ang sama-samang pagkilos ng OWWA, DMW, DFA, Philippine Foreign Service Posts, MWO-OWWA offices, German authorities, hospitals, at Filipino community.
Hindi natin pababayaan ang ating mga kababayan hanggang makarekober ang mga sugatan at maiuwi sa kanilang mga pamilya ang ating mga nasawing kababayan, patuloy ang Alagang OWWA.(Gina Garcia)
