Sabay na lilipad pa-Amerika sina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia ngayong Miyerkoles, September 23, para sa rAWnd 2 ng “Get, Get AW!” US concert tour ng SexBomb Girls.

Kaya kahit patuloy silang pilit na “pinagsasabong” dahil sa mga lumabas na kuwento tungkol sa kanilang samahan, mukhang walang isyu sa dalawa pagdating sa kanilang biyahe at trabaho.

Kasama nina Rochelle at Jopay ang ilan pang miyembro ng SexBomb sa flight patungong San Francisco, California.

Pero isang SexBomb girl ang hindi nila kasabay—si Sunshine Garcia.

Nauna na pala sa Amerika si Sunshine at doon na rin nag-celebrate ng kanyang birthday.

Wala namang kumpirmasyon sa anumang espekulasyon kung may kinalaman ang maagang pag-alis ni Sunshine sa mga isyung ikinakabit sa grupo.

Ang impormasyon lamang ay nauna siyang bumiyahe dahil sa kanyang birthday celebration.

At kahit hindi sila sabay-sabay lumipad, siguradong magkikita rin sina Rochelle at Sunshine dahil magkakasama sila sa SexBomb shows at sa iisang hotel din sila naka-book.

Sa Friday, September 25, nakatakda ang unang show ng SexBomb Girls sa Graton Resort Casino sa Rohnert Park, California.

Pamilyar na rin sa grupo ang venue dahil noong rAWnd 1 ng kanilang US tour ay dalawang beses silang nagtanghal doon.

Ayon naman sa kanilang promoter na si Ms. Nancy Yang ng NY Entourage Productions, maganda ang takbo ng ticket sales para sa unang show ng SexBomb sa naturang venue.

Share.