Idinepensa ni Aira Bermudez ang kapwa Sexbomb Girl at lider ng kanilang grupo na si Rochelle Pangilinan.
On her Facebook page, Aira shared an art card from their guesting on Fast Talk with Boy Abunda.
Natanong kasi kung kumusta si Rochelle bilang group leader.
Ani Aira, hindi daw matatawaran ang isinakripisyo ni Rochelle para sa grupo.
Pati daw kasi career nito has taken a backseat alang-alang sa kanila.
Ayon kay Aira, nakikita lang ng ibang tao ay ang pagiging controlling o bossy ng tulad ni
Rochelle: “But what they don’t see is the heart behind it all.”
Ang uri daw ni Rochelle ay isang lider “who will always put the group’s growth above her own career.”
Maaari daw istrikta si Rochelle, pero paraan daw niya ‘yon ng pagdidisiplina: “So we can give our absolute best.”
Busilak din daw ang puso nito: “A true leader who carries us all with pure love.”
Ang ginawang pagtatanggol ni Aira kay Rochelle ay patotoo ng magandang pakikisama nito sa lahat ng mga Sexbomb Girls, kabilang na si Jopay Paguia na sinasabing “kaintrigahan” niya.
Trending
- Bien Zoleta, emosyunal sa unang panalo sa Asian Games
- Jho Maraguinot babu na sa pro volleyball
- Alden, tablado sa bagong VMX star
- Rochelle, ipinagtanggol ni Aira
- Cherry Pie, nakakain ng spoiled food, naospital
- Ilang estudyante, sumasakay sa airbed upang makatawid sa ilog para makapasok sa paaralan
- Lakam Chiu dinala na sa Quezon City court
- DOJ: Tuloy-kaso sa missing sabungeros kahit ‘di sumipot ilang pamilya

