Kasado na ang birthday plan ni Barbie Imperial.
She’ll turn 28 come August 1.
May bonggang party bang magaganap?
On the contrary, wala.
Sa halip, mamahagi ang Kapamilya actress ng ayuda sa kinalakhan niya sa Albay, Bicol.
Siyempre, her boyfriend Richard Gutierrez won’t be far behind.
Magkatuwang sila sa kawanggawang ‘yon.
“We’re excited for her birthday..she’ll celebrate it in a soulful way,” ani Richard.
Ang plano–pupuntahan nila ni Barbie ang public school na pinasukan noon ng aktres.
Add to that, may pa-medical mission pa si Barbie: “Parang relax lang kami ni Chard sa Bicol, sa birthday ko mismo.”
“Giving back to the community,” susog ng aktor.
Ideya daw ‘yon ni Barbie na sinusuportahan ni Richard.
Since nasa Bicol na din lang sila, plano nilang pumunta sa Masbate o Catanduanes as long as walang bagyo.
Bale ba, may mga kamag-anak din daw si Richard sa Bicol.
===
Trending
- Tulak dinampot sa Pampanga
- Nambastos na kelot, dinakma
- LeBron napapaligiran ng higante sa Sixers
- Obiena sumungkit ng silver sa Germany
- Matet, naging rason ng traffic, nag-sorry
- New manager ni Bea, ‘di naniniwala sa kontrata, handang mapalitan ng iba
- Malu Barry, cancer-free na
- VP Sara nagpiyansa, nanganganib umano ang buhay
