Isang lalaking wanted sa sa kaso ng Statutory Acts of Lasciviousness ang nasukol ng tumutugis na kapulisan sa Valenzuela City, kahapon ng hapon.
Hindi na nakapalag ang 26-anyos na akusado na si alyas “Boboy ” nang dakmain ng tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento habang naglalakad sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy., Polo.
Sa ulat nakarating sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Col. Talento na naispatan ang presensya ng akusado sa nasabing barangay.
Kaagad nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Valenzuela City Police Station hanggang sa makorner nila ang akusado sa nasabing lugar dakong alas-5 ng hapon.
Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City, noong September 4, 2026, para sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness in relation to Section 5(B) of R.A 7610, na may inirekomendang piyansa na P180,000.
Si alyas Boy ay pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail. (Roger Panizal)
