Isang assistant officer mula sa tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng San Jose City, Nueva Ecija ang pinaniniwalaang nalunod sa isang rescue operation nitong Huwebes.
Kinilala ang biktima na si Alvin Velasco.
Si Velasco ay kasama ng team ng Makisig Rescue 3121 na tumungo sa binahang bahagi ng Talavera-San Jose River sa Zone 1, Barangay Parang Mangga, San Jose City.
Bandang alas-12:30 ng tanghali, tinangay ng malakas na agos ng tubig si Velasco at nang marekober ay isinugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival pagsapit ng alas-2:00 ng hapon.
Sinabi ng Disaster Risk Reduction Management Office ng San Jose City noong Huwebes, Hulyo 26) ay hindi pa rin natatagpuan si Albert Bermudez, ang taong pinagsisikapang hanapin at sagipin ng rescue team.(ML)
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

