Kusang sumuko sa mga awtoridad ng Dasmarinas Component City Police Station, si Congressman Kiko Barzaga, nang magpalabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court Branch 147 para sa kasong 8 counts of cyber libel sa ilalim ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act.
Ayon kay CALABARZON Police Regional Director P/BGen. Hansell M. Marantan, 6:59 ng gabi nitong Lunes dumating si Barzaga sa nasabing istasyon ng pulisya kasama ang kanyang legal counsel na agad naman ipinaalam sa mambabatas ang kanyang karapatan at agad inilagay sa kustodiya at isinailalim sa tamang proseso.
Nakalaya din kaagad si Barzaga nang maglagak ng piyansa na halagang P48,000 bawat kaso at may kabuoang P384,000 ang piyanya.
Matatandaan na sinampahan si Congressman Barzaga, ng kasong cyber libel ng negosyanteng si Enrique Razon, kasama sina Antipolo City Representative Ronaldo Puno at Manila Representatlve Rolando Valeriano, dahil sa alegasyon ni Barzaga na sinuhulan umano ang ilang miyembro ng National Unity Party para suportahan si dating House Speaker Martin Romualdez.

Share.