Inaresto ng mga elemento ng Criminal investigation and Detection Group (CIDG) ang isang singer/rapper nang makuhan ng baril sa isinagawang operation sa Quezon City.
Kinillala ang inaresto na si Abilla, Gabriel, y Corpuz alias “Hev Abi”, 24-anyos, ng Brgy. Laging Handa, Diliman, Quezon City.
Sa report, 12:30 ng madaling araw ng magsagawa ng operation ang mga elemento ng CIDG National Capital Region sa Dr. Lazcano St., Brgy. Laging Handa, Diliman, Quezon City;
Isinagawa ang operasyon ng mga otoridad batay sa ipinalabas na search warrant no 6728 sa paglabag sa Article V Article V, Section 28 (a) at (e) Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na ipinalabas ng korte.
Narekober ng mga operatiba ang 1) pc ng G3 Taurus Cal. 9mm pistol, 1) pc magazine ng G3 Taurus Cal. 9mm pistol; at 15 pcs. ng Live ammunition ng G3 Taurus Cal. 9mm.
Nasa kustodiya si Gabriel ng CIDG-NCR habang sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kaukulang kaso laban dito.
Trending
- MAYWEATHER-PACQUIAOREMATCH: A 12-ROUND,$400-M PROFESSIONAL BOUT
- Eala sibak kay Fil-Can Fernandez sa Stuttgart
- Doncic, Reaves malabong maglaro sa playoffs kontra Rockets
- KC Concepcion inaming ‘in between’ sa pamilya nina Sharon at Gabby
- Kim Chiu, Sofia Andres nagsabunutan
- Heart Evangelista naospital sa anxiety
- 1 miembro ng Hizon robbery group todas sa bakbakan
- Rapper na si Hev Abi huli sa ‘di lisensiyadong baril
