Inilipat sa New Bilibid Prison nitong Miyerkoles ang dating pulis na si Rafael Dumlao III, na nahatulan kaugnay ng pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng South Korean na si Jee Ick Joo noong 2016.
Nauna nang idinetine si Dumlao sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang paglipat ay alinsunod sa virtue of Mittimus Order ng Court of Appeals na may petsang Hunyo 9.
“The convicted accused was duly received by the Reception and Diagnostics Center (RDC) of the New Bilibid Prison,” anang CIDG.
Nahatulan si Dumlao sa kasong kidnapping, extortion, carnapping, at pagpaslang kay Jee Ick Joo, na dinukot at pinaslang sa loob ng Camp Crame noong Oktubre 2016.
Nasakote si Dumlao noong Martes sa Pasong Tamo, Quezon City.
Trending
- Alas winalis ng South Korea sa AVC Cup
- ‘Military-like’ training ni Baldwin muling lumutang sa pagkalunod nina Baterbonia, Adili
- Carla, ‘happy’ sa honeymoon
- BINI Aiah, nagpaliwanag sa pic nila ni Kyle sa Cebu
- Bela, lalayas na sa serye?
- Jodi, kukuning bridesmaid ng ex-husband
- Rafael Dumlao III lipat New Bilibid Prison
- Police corporal inireklamo sa P50K kotong kapalit ng PNP slot

