Isang pangarap ang natupad para kay Rabiya Mateo matapos niyang ianunsiyo na opisyal na siyang enrolled sa Doctor of Medicine program ng University of Santo Tomas.
Ibinahagi ni Rabiya sa kanyang Instagram Story ang digital enrollment receipt kung saan mababasa ang mensaheng nagpapatunay na isa na siyang Thomasian.
Tinakpan lamang niya ang kanyang student number.
Agad namang nagbunyi ang kanyang mga tagahanga at supporters dahil matagal na umanong pangarap ng beauty queen na ipagpatuloy ang pag-aaral at maging doktor.
Marami rin ang humanga sa kanyang determinasyon at nagsabing hindi lang kagandahan ang maipagmamalaki ni Rabiya kundi pati ang kanyang dedikasyon sa edukasyon.
May ilan pang nagbiro na masuwerte ang boyfriend niyang si Jake Cuenca dahil future doctor ang kanyang nobya.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
