Naglabas ng pahayag ang Quezon Huskers bilang suporta sa kampanya ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) laban sa umano’y game fixing at iba pang manipulasyon sa mga laro.
Ayon sa koponan, mariin nilang kinokondena ang anumang gawain na sumisira sa integridad ng liga at sa mga pagpapahalagang nais nilang itanim sa mga atletang Quezonian.
Nanawagan din ang Quezon Huskers sa pamunuan ng MPBL na paigtingin ang mga hakbang laban sa game manipulation, kabilang ang masusing imbestigasyon, pagprotekta sa mga whistleblower, at pananagutin ang mga mapapatunayang sangkot.
Binigyang-diin ng koponan na sa bawat laban ay dala nila ang dangal, layunin, at pagmamalaki sa pagre-representa sa lalawigan ng Quezon.
Anila, nakasalalay sa kanilang mga balikat ang pag-asa ng milyun-milyong Quezonian na mahilig sa basketball.
Iginiit ng Quezon Huskers na sa paglalaro lamang nang tapat at may respeto sa isport mapapanatili ang tiwala ng publiko at maipagpapatuloy ang pagbibigay-inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga atleta.
=====
Trending
- Quezon Huskers nakiisa sa panawagan vs game fixing sa MPBL
- EJ Obiena kampeon sa pole vault meet sa Germany
- Angelica at Bela, ‘friendship over’ na?
- Hater ni Ashtine Olviga, kakasuhan ng Viva
- Pelikulang ni Lovi, pasok sa 83rd Venice Filmfest!
- CHED maglalaan ng P120M para sa pagsuporta ng student innovators
- Baseline ng Pinas sa Bajo de Masinloc, tinutulan ng China
- Prosekusyon naghanda ng 13 witnesses

