Sinabak sa serbiyo ng National Police Commission (Napolocom ) ang isang Pulis Maynila nang  mapatunyan guilty sa pag-rape sa isang babae walang malay sa isang motel sa Maynila.
Sa ipinalabas na desisyon ng Commission En Banc, sinabi Napolocom Commissioner Ralph Calinisan na  napatuluyang guilty sa “administratively liable” sa kasong Grave Misconduct and Conduct Unbecoming of a Police Officer laban kay Patrol Joshua S. Mendoza.
Base ang desisyon sa mga matitibay na ebidensiya ng testimonya ng biktima, mga kuha ng CCTV footage, medico-legal fiding at mga testimonya ng mga saksi.
“The Commission ruled that Mendoza committed acts constituting sexual violence against a victim who was unconscious and incapable of giving consent, a clear violation of Republic Act No. 8353 or the Anti-Rape Law of 1997,” ani ni Calinisan.
Sinabi ni Calinisan na binigyaan diin ng Commission na lantaran paglabag sa batas at kawalang integridad ang ginawang aksyon ni Mendoza kaya’t hindi ito karapat dapat na manatiling sa police service.
Samantala, pinawalang sala naman ng Commission si Pat Jehan A. Mendoza na kabilang sa mga kinasuhan dahil sa kawalan ng mga sapat na mga ebidensiya magdiin sa huli.
“The police are meant to protect rights, not violate them. Every abuse committed by a few erodes the integrity of the entire institution. That is why our position is clear, cleanse the ranks, hold offenders accountable, and restore the people’s trust,” pahayag ni Calinisan.
Iniharap ang kaso ng “complainant” ng biktima kinilala sa alias “Anna” laban kay Mendoza noong January sa Napolcom.
Sa reklamo, nawalan siya ng malay sa hinalang may inilagay sa kanyang inumin at nagising na lang na nasa loob na siya ng motel kung saan naganap ang sexual assault. Matapos ang insidente hindi na nagpakita ang suspek at idineklarang AWOL sa MPD.

Share.