Inihayag ni Senador Robin Padilla ang plano niyang umalis ng Pilipinas at kumalas sa political system ng bansa.
“Gusto ko na talagang magpunta sa abroad. Magpunta na nga kami ng Netherlands, ng Germany,” ani Padilla sa panayam sa programang “Politiko Talks” ng Bilyonaryo News Channel.
“So ito ngayon, (sa) 2028. Gusto ko nga si Jimmy (Bondoc) na maging senador eh,” dagdag pa niya.
Matatandaang iniuugnay ang actor-turned-politician sa simbolismo ng rebolusyon dahil sa pagganap nitong Andres Bonifacio sa pelikula noong 2014 at paggiit na ito ang kilalaning unang pangulo ng bansa.
Gayunpaman, hayagang nagpahiwatig si Padilla ng pagtalikod sa sistema dahil sa umano’y kanyang pagkadismaya sa pamamahala.
“Kung hindi natin mababago ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas, i-enjoy ko na lang ‘yung asawa ko, mag-ano na lang ako sa mga anak ko, kasi… hindi ako naniniwala sa sistema na ‘to,” anang senador.
“I’m sorry. Patawarin niyo ako, hindi ko nakikita ang future ng sistema na ‘to,” dagdag pa ni Padilla.
Dahil sa planong paglipat, ipinagbibili na rin ng senador ang kanyang Museo de Padilla property sa Quezon City upang matustusan ang posibleng gastos.
“Kaya napunta doon sa usapin na ibebenta ko ‘yung bahay. Kasi parang maka-afford namin,” ani Padilla.
Trending
- BAGETS BASTED, NAG-SUICIDE
- CYBERCRIME:15 ARESTADO
- POLITIKA DI MASIKMURA, BINOE LALAYAS SA PINAS
- Lakers, pinadapa ang Rockets sa overtime, 112-108
- Alex Eala, Zeynep Zonmez lusot na sa unang round
- Mark, inamin hiwalay at balikan nilang mag-asawa
- Maymay, in-unfollow sina Donny at Kyle!
- Chie, balik sa pagiging hubadera?

