Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na walang ibibigay na espesyal na pagtrato kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya dahil sa kasong crimes against humanity.
Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., ipatutupad ng pulisya ang batas nang walang kinikilingan.
“Wala po tayong special treatment. We implement the law without fear or favor,” ani Nartatez sa Palace briefing.
Ipinaliwanag din niya na sa pagpapatupad ng warrant, palaging katuwang ng PNP ang iba pang ahensiya ng gobyerno, partikular ang Department of Justice (DOJ).
Kasunod ng kaguluhan sa Senado noong Miyerkules ng gabi, nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang direktiba na arestuhin si Dela Rosa.
Ipinagtibay ito ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
“Walang operasyon ang NBI o PNP na arestuhin si Senator Bato,” ani Castro.
Samantala, ayon sa isang senador na tumangging magpakilala, wala na sa Senado si Dela Rosa. Batay sa Senate secretariat, umalis umano siya bandang 2:30 ng madaling araw.
Huling nakita si Dela Rosa kasama ang kanyang staff habang sumasakay ng elevator noong Miyerkules matapos manggaling sa opisina ni Senate President Alan Peter Cayetano.
Bumalik lamang sa Senado si Dela Rosa nitong Lunes matapos ang anim na buwang pagkawala.
Trending
- Kauna-unahang ‘openly gay’ player ng NBA na si Jason Collins pumanaw @ 47
- Pinuri ni Hidilyn Diaz si Delos Santos para sa record-breaking na ginto
- Sexy OOTD ni Barbie, pinalagan ng fans
- Sexy viral pic ni Joshua, gawa ng Al
- Ysabel Ortega, ‘chaka’ ‘pag bagong gising?
- Fuel surcharge ibababa ng CAB mula May 16-31
- PSA naglunsad ng digital system sa correction ng civil records
- Visa-free stay ng turista sa Thailand babawasan

