Maaaring mapalitan ang mga piskal na humahawak ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ).
Pero paglilinaw ng DOJ, ito ay kinakailangan upang mas maayos o mas epektibong magampanan ang trabaho ng prosekusyon.
Matatandang nagsampa ng reklamo ang NBI laban kay VP Sara kaugnay sa naging pahayag nito noong 2024 sa isang online forum na kumuha umano siya ng isang hitman upang ipapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay.
Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, wala pa siyang impormasyon hinggil sa posibleng pagpapalit ng piskal sa nakabinbing reklamo.
Sinabi ni Vida na ang pag-aatas ng prosecutor ay nakabatay sa workload ng mga piskal at sa layuning mapabilis ang pagresolba ng kaso at matukoy kung may sapat na basehan ang mga reklamo.
Una nang sinabi ng DOJ na nananatiling under review ang reklamo laban kay Duterte upang pagpasiyahan kung ito ay ibabasura o isasampa sa korte.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

