“Sana all!”
‘Yan ang sigaw ng mga netizen matapos ibahagi ni Arci Muñoz ang isang nakakakilig na reel kasama si Piolo Pascual sa social media.
Agad kasing napansin ng followers ni Arci ang eksena kung saan hinalikan siya ni Piolo, dahilan para umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizens.
May mga nagsabing nakakainggit ang aktres dahil sa sweet na gesture ng aktor, habang ang iba naman ay kinilig sa natural na closeness ng dalawa.
Sa naturang reel, tinawag pa ni Arci na “Pappi” si Piolo habang nagkukulitan sila sa harap ng camera.
Isa sa mga nakaaaliw na bahagi ng video ay nang tanungin ni Arci si Piolo kung ano ang kaibahan ng “misis” at “miss.”
Sagot naman ng aktor, “S” lang daw ang pinagkaiba ng dalawang salita.
Pero mabilis na bumwelta si Arci at sinabing, “Ang misis, may asawa. Ang miss, miss you so much!”
Hindi na rin ikinagulat ng kanilang mga tagahanga ang pagiging komportable nila sa isa’t isa dahil matagal nang kilala sina Arci at Piolo bilang magkaibigan na may magandang samahan sa loob at labas ng showbiz.
Trending
- Mommy ni Eman Bacosa: ‘Malinis ka maglaro at ‘di madaya
- Coach Chot Reyes ‘very good coach’ ang pagkakakilala kay Tab Baldwin
- Pops Fernandez nagreak sa kanyang estatwa
- Catriona Gray trending sa Thailand
- Piolo Pascual ‘tinuka’ si Arci Muñoz
- DOT, naglunsad ng discounted travel deals para sa lokal na turismo
- Ikalawang dagdag-toll sa SLEX, STAR, ipatutupad sa Hulyo 1
- Proseso sa pagpapalit ng mga konsyumer ng supplier ng kuryente hiniling paikliin
