Natanggap ni Carlos Antonio Reyes ang Bronze Medal at titulong Best of Nation sa Hotel Reception skill area sa 48th WorldSkills Competition sa Shanghai, China.

Ito ang kauna-unahang podium finish ng Pilipinas sa naturang kompetisyon matapos ang halos tatlong dekada, mula nang huling manalo ng medalya ang bansa sa pamamgitan ni Gerrelen Diaz noong 1997 sa Switzerland.

Nagtagumpay ang Pilipinas sa pandaigdigang kompetisyon ng WorldSkills matapos manalo si Delos Reyes, kasama ang kanyang expert na si Nomer Yuzon mula sa LPU-Batangas, laban sa mga batang propesyonal mula sa iba’t ibang bansa.

Bukod dito, dalawa pang miyembro ng delegasyon ng Pilipinas ang pinarangalan ng Medal for Excellence matapos makakuha ng 700 puntos o higit pa batay sa WorldSkills grading scale.

Nakatanggap ng Medal for Excellence sa WorldSkills Asia Premier Competition sina:

​James Cavin Sayago (Electrical Installations) – Estudyante ng Camarines Sur Polytechnic College, kasama si Jovencio Panida (expert) at Eddie Cabaltera (coach).

​Hannah Krystelle Caintic (Graphic Design Technology) – Mula sa TESDA Regional Training Center-NCR, sa ilalim ng paggabay ni Demetrio Pable, Jr. (expert).

Binati ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Kiko Benitez

ang mga Pilipinong kalahok sa Shanghai para sa kanilang magandang performance na nagpapakita ng husay ng manggagawang Pilipino sa buong mundo.

Aniya, bukod sa mga medalya, nagsisilbi silang inspirasyon sa iba at patuloy na susuportahan ng TESDA ang paglahok ng mga Pilipino sa mga pandaigdigang kompetisyon upang lalo pang mapahusay ang kanilang kasanayan.

Nangunguna ang TESDA sa WorldSkills Philippines upang isulong ang pandaigdigang kahusayan satechnical-vocational education and training (TVET).

Sa tulong ng pamahalaan at industriya,nagsasagawa sila ng mga local na kompetisyon at pinamamahalaan ang pakikilahok ng bansa sa mga pandaigdigang paligsahan sa kasanayan.

Nagpadala ang Pilipinas ng 11 delegado sa WorldSkills Shanghai 2026 upang makipagpaligsahan sa 10 iba’t ibang kasanayan o skill areas.

Ayon sa TESDA, ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pataasin ang global competitiveness ng mga manggagawang Pilipino at itaguyod ang mga pamantayang pambuong-mundo sa TVET.

Binigyang-diin din ng Pangulo sa kanyang 2026 State of the Nation Address (SONA) ang kahalagahan ng pagpapalawak ng TVET, practical skills, at industry-aligned training upang maihanda ang mamamayan sa mga kasalukuyan at umuusbong na oportunidad sa trabaho.(Gina Garcia)

Share.
Exit mobile version