Sasaklawin na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ilang inpatient admissions na mas mababa sa 24 oras simula Setyembre 18, 2026, basta pasok sa itinakdang medical requirements.
Sa ilalim ng bagong polisiya, maaaring ma-cover ang pasyenteng may seryoso, malubha o life-threatening na kondisyon kahit hindi umabot ng 24 oras ang confinement, kung mapatutunayang medically necessary at naaayon ang admission batay sa medical records.
Maaari ring maging kwalipikado ang pasyenteng kailangang ilipat sa ibang ospital, namatay habang naka-confine, o pinayagang makalabas ng doktor bago umabot ng 24 oras.
Saklaw din ang pasyenteng kusang umalis sa ospital sa loob ng nasabing panahon, basta pasok sa medical qualifications ng PhilHealth.
Hindi naman kabilang ang mga declared dead on arrival at mga kondisyong maaaring gamutin sa outpatient, emergency department, ambulatory o primary care setting.
Ayon sa PhilHealth, bibilangin ang 24 oras mula sa oras na pormal na ma-admit ang pasyente sa pamamagitan ng admit order, kahit nasa emergency room pa ito.
Layunin ng bagong patakaran na tugunan ang dating requirement na kailangang umabot sa minimum confinement period bago ma-avail ang ilang inpatient benefits.
=====
Trending
- Angelica at Mark Andrew Yulo, may AI video sa simbahan; ‘pang-asar’ kina Carlos at Chloe?
- Dahil kay Alex Eala: PSC magtatayo ng mga tennis training center
- Beauty, nagpaka-hot sa amasona peg
- Bela, na-hold sa airport
- Albie imbiyerna kay Romualdez!
- 87% Pinoy kumpiyansang makaiwas sa scam, pero 76% takot pa rin
- PhilHealth saklaw ang hospital stay na walang 24 oras
- Kahit anong government ID sa payout ng pension
