Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon na inihain ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. kaugnay sa paglalabas ng search warrants laban sa kaniya at mga anak noong 2023.
Batay sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Apolinario Bruselas Jr., hindi pinagbigyan ng CA Third Division ang petition for certiorari ni Teves matapos itong mabigong patunayan na nagkamali ang hukom sa pag-unawa sa mga facts.
Inakusahan ni Teves si Judge Renato Enciso ng Manila Regional Trial Court (RTC) ng grave abuse of discretion nang hindi nito pinawalang-bisa ang search warrant at pinagtibay pa ang legalidad nito na nagresulta sa pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms and explosives laban sa dating mambabatas.
Nadiskubre sa bahay nina Teves at mga anak nito ang mga baril, bala at pampasabog, pero iginiit niya na dapat pinawalang-bisa ang mga warrant at hindi dapat tinanggap ang ebidensyang nakuha.
Hindi rin sinang-ayunan ng appellate court ang argumento na iligal ang paghalughog sa bahay kung saan pinahintulutan daw ng warrant ang paghahanap sa buong lugar, at nanatili sa legal na hangganan ang mga operatiba.
Sabi pa ng CA, hindi rin maituturing na bunga ng iligal na paghahanap ang pagkakatuklas ng iba pang armas at pampasabog sa loob ng bahay ni Teves.
Nahaharap ang dating kongresista sa patung-patong na kaso kabilang ang pagpatay kay dating Governor Roel Degamo at siyam pa noong 2023.
Trending
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider
- ‘Missing’ na nene, natagpuang bangkay nakasilid sa sako
- Lalaki sangkot sa hit-and-run, patay sa bangga ng truck
- Tindero sinaksak ng bayaw sa tahol ng aso
- Negosyo ng mga PDL sa mga piitan iniimbestigahan ng BJMP
- 42°C heat index mararamdaman sa Pasay City, 3 pang lugar

