Nanawagan si Bataan Governor Joet Garcia sa mga local chief executive sa bansa na bigyang prayoridad ang pagpapatupad ng Parent Effectiveness Service o PES progam, na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at naisabatas noon pang 2022.
Ito ay para mas mapalakas at mabigyan umano ng paraan ang mga magulang, para mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak at mailayo ito sa pagsisimula ng karahasan sa kanilang komunidad at eskwelahan.
Kasunod umano ito ng epektibo at kaaya ayang resulta ng kauna-unahang implementasyon ng parenting program sa bansa, partikular sa Bataan na “EduChild”, katuwang ang mga PES module ng EduChild Foundation, na ipinatupad simula pa noong 2008 at nagpapatuloy hanggang sa taong kasalukuyan.
Kabilang umano sa nasabing resulta ay ang pagiging honor student ng 20% ng mga anak ng EduChild parents, 0 dropout case, at mas tahimik o walang gulo na komunidad, base na rin umano sa pinakahuling evaluation ng Department of Education (DepEd) sa implementasyon ng nasabing programa.
Ayon kay Bataan Governor Joet Garcia, principal author ng Republic Act No. 11908 o The PES Program Act, mas mai-enhance pa umano ang nasabing programa sa kanilang probinsya, at sa bansa, dahil sa panibagong modules na binuo ng EduChild para sa DSWD.
Trending
- Pacquiao exhibition fight sa huling bahagi ng taon
- 9 atleta sa 2026 Summer Youth Olympics
- Rabiya Matteo officially enrolled sa UST Medicine
- Ion ipinatattoo ang birthday ni Vice
- Heart Evangelista mas pinili ang pera vs kaibigan
- Reklamo ni Jasmine Curtis-Smith vs Topacio ibinasura
- Show cause order sa viral video
- Principal arestado sa pagpatay sa guro
