Sa totoo lang, walang Pinoy ang hindi umaaray sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Sa kaso na lang ng TV host-comedian na si Jayson Gainza, hangga’t maaari’y gumagamit na lang siya ng motor maliban na lang kung napakainit ng panahon when he’s forced to use his Starex.
Kung dati-rati’y umaabot lang ng P6k ang full tank ng kanyang Starex, with the oil price hike ay pumapalo na ito between P10 and P12K.
Kaya naman sa tuwing may taping siya, mas tipid nga namamg mag-motor.
Kaya may dasal si Jayson: “Sana matapos na ang krisis natin sa gasolina. Lahat apektado, pati mga bilihin natin!”
Dahil dito’y ramdam daw niya ang taghirap sa industriyang ginagalawan niya.
Thankful siya na kahit paano ‘y may dumarating na oportunidad na puwedeng pagkakitaan.
“Sana maraming gas na makuha sa Pilipinas. Kahit sa bakuran namin, kahit sa poso, sana lalabas ang gas..’yun ang wish ko para hindi na tayo umangkat! Naku, grabe!
Gobyerno, mahiya naman kayo!”
In case na madalang ang raket sa showbiz, may fallback ba siya?
Ani Jayson, sa ngayon daw ay meron silang 5-star Chicken–isa sa Lipa City at dalawa sa Batangas City: “Kaya ako nag-aral ng culinary, gusto ko restaurant. Lomi house, pancit.”
Ito daw ang umaalalay kay Jayson sa panahong matumal ang dating ng mga raket.
Trending
- Kai Sotto, AJ Edu hataw sa B. League
- Houston Rockets tinalo Los Angeles Lakers
- Para tipid gas: Jayson, nagmomotor na lang
- Jillian, masikreto pa rin sa lovelife
- ‘Baby,’ tawag ni Klea kay Janella
- Online seller timbog sa P2m shabu
- Kelot nameke ng lotto ticket sa Mandaluyong
- 4 tauhan ng LTO sibak sa kotong
