How true kaya ang tsika na umano’y pakikipag-chat at pangungulit ng Kapuso actor na si Paolo Contis sa isang babaeng tinutukoy ng netizens na si Aly Alday?
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng social media personality na si Xian Gaza ang mga screenshots ng umano’y mensahe ng aktor sa isang hindi pinapangalanang babae, na agad namang inugnay ng netizens sa naturang isyu.
“Ganitong-ganito ako mag-chat sa mga babae kapag may amats tapos in heat,” pahayag ni Xian sa kanyang post.
Dagdag pa niya, “ang kaibahan lang eh single ako walang jowa.”
Ayon pa sa social media personality, paulit-ulit umano ang pagyaya ng aktor na magkita sila, batay sa laman ng mga chat screenshots na kanyang ibinahagi.
Mabilis namang kumalat sa social media ang espekulasyon na si Aly Alday ang tinutukoy sa naturang usapin, batay sa pagkakahawig ng larawan sa screenshots na ipinost.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag o kumpirmasyon sina Paolo Contis at Aly Alday kaugnay ng naturang alegasyon.
Trending
- Ateneo pumalag sa ‘dangerous rumors’ laban sa men’s basketball team
- Pacquiao-Mayweather 2, postponed muna
- Cristine Reyes tumanggi mag-endorse ng online sugal
- Paolo Contis kinukulit si Aly Alday
- Coco nasasaktan sa bansag na ‘masungit’
- Hirit ni Jinggoy na pagsama-samahin mga kaso sa flood control tinabla ng Sandigan
- Juvenile council nanawagan ng rehab, mental health services para sa young offenders
- Mental health neglect itinurong dahilan ng karahasan sa mga eskuwelahan
