Nagkawanggawa ka na, ikaw pa ang masama!
Tiyak na marami ang makaka-relate sa sinapit ni Maris Racal na tumulong na nga’y nilait-lait pa.
Viral sa social media ang pamimigay ng bigas at pagkain ng Kapamilya actress sa mga jeepney driver marking her 12th year in showbiz.
Sa video, mismong si Maris ang nagdi-distribute ng tig-iisang kilo ng bigas at isang buong manok.
As expected, marami ang pumuri kay Maris.
But not all.
Nakukulangan kasi ang ibang bashers sa ipinamigay ng aktres to think na namamayagpag daw ito sa loob ng 12 taon–tapos, ‘yun lang?
Gayunpaman, marami ang to the rescue kay Maris.
Anila, hindi naman nasusukat sa presyo ang sinserong pagtulong ng tao sa kapwa.
Kung tutuusin daw ay hindi ‘yon obligasyon ni Maris na dapat sana’y nagmumula sa gobyerno.
Trending
- NBA: Knicks pinatahimik ang Spurs sa Game 1 ng NBA Finals
- NBA: Knicks pinatahimik ang Spurs sa Game 1 ng NBA Finals
- Alex Eala umusad sa QF ng Birmingham Open
- Darren, nag-bday kasama ang mga bata sa ospital
- Pabigas at pamanok ni Maris, nilait
- Bayani, namura ng misis!
- ICC naghahanap ng Tagalog, Cebuano interpreter
- Ex-SPs, nanawagang ayusin na ang gusot sa Senado
