Ayon sa ulat ng DOST-PAGASA, patuloy na umiiral ang Habagat (Southwest Monsoon) na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa Metro Manila, may maulap na kalangitan na may tuloy-tuloy na ulan. Nakataas ang yellow rainfall warning – posibleng pagbaha sa mabababang lugar.

Sa Zambales, Bataan, Pampanga, nakaalarma ang  Red rainfall warning – seryosong pagbaha ang inaasahan.

Sa Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, may Orange rainfall warning – nagbabanta ang pagbaha.

Sa Visayas,  maulap din  na may scattered rain showers at thunderstorms.

Sa Mindanao, bahagyang maulap hanggang maulap na may isolated thunderstorms.

Dalawang tulay sa Tarlac ang bumagsak dahil sa rumaragasang baha.

Ilang dike sa Central Luzon ang bumigay, nagpalala ng pagbaha sa Bulacan at Pampanga.

Maraming kalsada sa  MetroManila, Calabarzon at Northern Luzon ang hindi madaanan dahil sa baha at landslide.

Higit 2,800 bahay ang nasira; 340 dito ay tuluyang gumuho. Ilang paaralan at pampublikong gusali ang napinsala at pansamantalang isinara.

Tinataya ang pinsala sa imprastruktura: ₱5.95 bilyon. Sa Agrikultura ay ₱1.91 bilyon para sa kabuuuang ₱8.43 bilyon

Sundin ang abiso ng lokal na pamahalaan para sa preemptive evacuation.(Amanda Pineda)

Share.
Exit mobile version