SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hakbang na magpapataw ng price cap para sa imported na bigas.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagbigay na ang Department of Agriculture (DA) ng rekomendasyon sa National Price Coordinating Council pagdating sa panukalang P50 price cap kada kilo ng imported rice.
“Actually, sabi po ni Secretary Kiko Laurel ay nagbigay na po sila ng rekomendasyon sa National Price Coordinating Council para magkaroon ng deliberation patungkol dito. At ang kanilang price cap na isinangguni ay P50 for imported rice,” ayon kay Castro.
“So, ito po ang ibinigay din na mungkahi ni Secretary Kiko Laurel kay Pangulo, at ito naman ay sinusuportahan,” dagdag pa nito.
Tinitingnan naman ng DA ang pagpapatupad ng P50 price cap sa imported na bigas habang mino-monitor ng ahensiya ang “unreasonable” increase sa presyo, tinukoy ang sinasabing exploitation ng global oil shock situation sa gitna ng labanan sa Gitnang Silangan.
Sa kabilang dako, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na na-monitor ng ahensiya na may ilang retailers ang nagbebenta ng imported rice sa halagang P55 hanggang P58 per kilo.
Kabilang sa mga interbensyon na ginawa ng DA ay ang pagpigil sa price shock sa pamamagitan ng paggawa nitong available sa P45 hanggang P48 kada kilo ang bigas sa ilang pamilihan.
Trending
- Daniel Padilla kasama buong pamilya ni Kaila Estrada
- Alvin Aragon gusto patalsikin si Boy Abunda
- Atasha Muhlach pinagkalandakan ang abs
- Carlos Yulo may sweet na pagbati kay Chloe San Jose
- Alex Eala nanatiling kalmado nang matalo sa Miami Open
- Carlos, hinulaang talo sa 2028 LA Olympics
- Airport fees tatapyasan simula Abril – DOTr
- Gobyerno palalakasin industriya ng semiconductors, electronics sa bansa

