Arestado ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation kaugnay sa bentahan umano ng mga ilegal at pinaghihinalaang smuggled na sigarilyo sa bayan ng Balayan, Batangas.
Kinilala ng pulisya ang suspek na alyas “Norilyn”, 32-anyos, residente ng Brgy. Guimalas, Balayan.
Batay sa imbestigasyon, isinagawa dakong alas-5:20 ng hapon nitong Martes, Mayo 19 ang joint entrapment operation ng Provincial Intelligence Unit ng Batangas Police Provincial Office, kasama ang 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company at Balayan Municipal Police Station sa Sherian Village, Brgy. Guimalas.
Nahuli umano ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng mga sigarilyo.
Nakumpiska sa operasyon ang iba’t ibang brand ng sigarilyo kabilang ang H&P, Marshal, Modern 100, President, Arthur, D&J at Victor Aguila na umaabot sa kabuuang 87 master cases, bukod pa sa mga buy-bust money at boodle money.
Tinatayang nasa mahigit P3.5 milyon ang halaga ng mga nasamsam na sigarilyo, ayon sa pulisya.
Dinala na sa Balayan Municipal Police Station ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa koordinasyon ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.
Trending
- Lito Adiwang, pinatumba si Eko Roni Saputra sa loob ng 34 seconds
- Lastimosa nakabawi mula sa magastos na error sa huling bahagi ng laro vs Meralco
- Serye ni Bea, nag-stop taping
- Anak nina Ellen at Derek, pinapak ng insekto
- Juliana Parizcva, naloko ng P87K sa pekeng trabaho abroad
- Tindera patay, 1 pa sugatan sa araro ng pickup truck
- P3.5m ismagel yosi nasabat sa Batangas
- P14m shabu nasabat inabandonang parcel sa Pasay

