Naghain ng petisyon ang transport group PISTON nitong Lunes, Abril 20 sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa P10 dagdag pamasahe sa jeepney.
Dahil dito ay aakyat na sa P23 ang base fare ng mga jeepney mula sa kasalukuyang P13.
Matatandaan na inaprubahan ng LTFRB ang P1 fare hike para sa traditional jeepneys.
Ngunit kalaunan ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng implementasyon nito na dapat sana ay epektibo noong Marso 19.
Tinukoy ni Marcos na kailangang tugunan ang pangangailangan ng mga commuter.
Samantala, sa ikalawang sunod na linggo ay nag-anunsyo ng malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga oil company.
Trending
- Construction worker, tiklo sa paltik
- SPD police 7-day-operation : 70 most wanted arrested
- 4Ps’s program : 1,000 graduates sa Maynila
- DepEd, Ched, Tesda nagsanib sa “One Education”
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya

