Nalambat ng mga ahente ng NBI-CARAGA Regional Office ang 22 indibidwal matapos buwagin ang isang illegal online sabong o e-sabong hub sa Tubay, Agusan del Norte nitong Abril 6.
Nagsimula ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI-CARAGA tungkol sa ilegal na e-sabong na ginaganap tuwing Lunes at Martes sa isang sabungan sa Tubay.
Kinumpirma ng isinagawang surveillance at pagmamanman sa social media ang katotohanan ng nasabing ulat.
Sa pagtutulungan ng NBI-CARAGA at PNP-RID 13, ikinasa ang isang entrapment operation na nagresulta sa pagkakahuli ng may 22 indibidwal kabilang na ang operator at supervisor ng sabungan; system provider manager at game master; announcer, sweeper, gaffer, kristo at largador; at handler, mga bet taker at dalawang mananaya.
Dinala ang mga arestado sa Provincial Prosecutors’ Office ng Agusan del Norte para sa inquest proceedings.
Nitong Abril 7, pormal nang isinampa ang kaso laban sa mga suspek sa Municipal Trial Court ng Tubay.
Ang mga suspek ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Presidential Decree No. 449 (Cockfighting Law of 1974) na may kaugnayan sa Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

