LAHAT ng institusyong nasa ilalim ng BSP gaya ng GCash, Maya, mga bangko, at iba pang payment apps ay kailangang tanggalin ang mga link o feature na nag-uugnay sa online gambling sites
Sa GCash, ititigil ang access sa gaming sa pamamagitan ng GLife simula 8 p.m. ng Agosto 16. Maaaring i-withdraw ng mga user ang kanilang pondo mula sa gaming accounts bago ang deadline.
Pagkatapos nito, sa mismong website na ng gaming merchant sila makaka-access
Sa apps ng Maya, kumpirmadong susunod din sa kautusan at tiniyak na ligtas ang mga account ng user.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas ang mga transaksyon sa online gambling na may negatibong epekto sa mga mamimili at pamilya.
Mananatili ang suspensyon habang binubuo ng BSP ang bagong polisiya ukol sa gambling-related payment services, kabilang ang: Mas mahigpit na identity verification;
limitasyon sa araw-araw na transaksyon;
time-based na restriksyon; at mga tool para sa spending cap at voluntary break.
Sina Senador Erwin Tulfo, Alan Peter Cayetano, at Sherwin Gatchalian ay tumutol sa 48-oras na palugit at nanawagan ng agad-agad na pagtanggal ng mga link
