Isang lane lamang ang kasalukuyang nadaraanan sa Maharlika Highway Old Zigzag Road sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon, matapos tamaan ng landslide at bumagsak na mga debris noong Linggo.
Ayon sa DPWH Quezon 1st District Engineering Office, naapektuhan ang kalsadang nagdurugtong sa mga bayan ng Pagbilao at Atimonan at gateway patungong Southern Quezon at Kabikulan.
Naganap ang pagguho kasunod ng matinding pag-ulan sa bahagi ng Quezon nitong Linggo ng hapon, kung saan isang puno rin ang bumagsak sa kalsada.
Sa report, 7:00 ng gabi nitong Linggo ay iniulat na one lane passable ang lugar habang patuloy ang clearing operation.
Hanggang madaling-araw nitong Lunes, nagsasagawa pa ng paglilinis at pagtanggal ng mga bumagsak na materyales ang mga tauhan ng DPWH.
Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat at magbagal habang dumaraan sa apektadong bahagi ng Old Zigzag Road.
Trending
- Noli Eala may ‘big reveal’ sa plano ni Alex
- Mag-utol na Serena at Venus Williams bigo sa women’s doubles ng US Open
- Lovi Poe nilinaw ang sikreto sa toned abs ilang linggo matapos manganak
- AJ Raval, touched sa effort ng mga bumati sa kanyang birthday
- Sharon Cuneta ibinunyag ang dalawang bagay na nagpapagalit sa kanya
- 37 tumanggap ng secret funds mula sa OVP, patay na – PSA
- Ex-Sen. Manny Pacquiao, itinalagang gabinete, hepe ng NAPC
- Puganteng Koreano wanted sa fraud arestado
