Bagsak sa kulungan ang 40-anyos na mister most wanted sa kasong Murder sa Navotas City nang matunton ng tumutugis na kapulisan sa Malabon City.
Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado na si alyas “Roy”, ay nakatala bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Person ng Navotas City Police Station.
Noong July 13, 2026 nang maglabas ng arrest warrant ang Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region, Branch 287, Navotas City, laban sa akusado para sa kasong Murder kaya sinimulan na ng pulisya ang pagtugis sa kanya.
Nang makatanggap ang mga operatiba NPD District Anti-Carnapping Unit (DACU) hinggil sa kinaroroonan ng akusado, kaagad nilang ikinasa ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Boy.
Hind na nakapalag ang akusado nang bitbitin ng mga operatiba ng DACU sa bisa ng nasabing warrant na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Ayon kay BGen. Capili, ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng hindi natitinag na pangako ng NPD sa paghahanap ng mga wanted na indibiwal at sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng komunidad ng area ng CaMaNava.,(RogerPanizal)
Trending
- DFA OFFICE SA KYUSI PINASINAYAAN
- Emergency hospital nai-upgrade
- BIKTIMA SA SUNOG HUMINGI NG TULONG
- Suspek, nanagasa ng parak, tiklo
- Bilyonaryong smuggler ng agri products, pinatutuldukan
- Escudero naglatag ng 4 legal provisions vs threshold
- BABAENG NEGOSYANTE, NAKALIGTAS SA “RIDING IN TANDEM”
- NUMBER 1 MOST WANTED KRIMINAL NADAKIP
