Dear David,
NAGLAKAS loob na rin akong sumulat upang makahingi ng
mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay.
Matagal na akong family driver, Binata pa ako at
napapagod na ako sa aking trabaho. Ipinanganak ako
noong Setyembre 19, 1979. Makakapag-pamilya pa kaya
ako? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?
Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na
puwedeng tayaan sa suertres at lotto.
BRADLEY NG ROXAS CITY
Dear Bradley,
NAIIMPLUWENSIYAHAN ka ng mahiwagang No.1 at No.9.
Parehong malakas ang naturalesa ng dalawang numerong
ito kaya’t may sobra-sobra kang tiwala sa sarili na
nagiging sanhi ng iyong mga problema.Ang lahat ng
sobra ay masama! Dahil sa sobrang tiwala sa sarili,
maaaring ipagwalambahala mo ang mahahalagang desisyon
dahil naniniwala ka lagi na under control mo ang mga
sitwasyon hanggang sa matuklasan mong naiwanan ka pala
ng panahon! Kapag ginusto mo, makakapag-asawa ka naman
at makakabuo ng pamilya. Ang problema ay hindi ka
naman nagdedesisyon ng sarado kaya’t hindi ka
makaporma at hindi mo rin maiayos ang iyong buhay.
Gawin mo lamang simple at praktikal ang lahat.Nasa
pagiging simple ang iyong kaligayahan at tagumpay.
Makakapag-asawa ka nang maayos at magkaroon ka ng
tatlong anak na magbibigay sa iyo ng ibayong
kapayapaan at wagas na kaligayahan sa hinaharap. May
naghihintay at sa iyo na magandang kapalaran sa taong
2028, 2030, 2033 kung saan
matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang
matatag na kabuhayan at pagbuo ng pamilya. Buwenas ka
sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Nobyembre lalo na sa
mga petsang 1, 6, 11, 19, 23 at 30 partikular kapag
natapat sa araw ng Huwebes at Martes.Kulay dilaw at
pula ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo ang No.5 sa
No. 1 at No.9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod:
1-6-11-19-22-28-34-38-40-42. ASSET tips; 4-7-5/ 9-1-7/
8-2-5.Wiretips; 6-8-4/ 1-4-6/ 8-2-4. Double digit;
3-8/1-6/ 8-2. Luzon guide:
1-6-11-18-23-27-34-37-40-42. Vismin:
1-5-11-19-22-28-34-37-40-42. MegaLotto;
1-5-11-18-22-28-34-36-40-42. Four Number; 4-7-6-1/
7-2-5-3/ 8-2-2-5. Grand Lotto: 4-7-22-34-35-46-50-54.