Mas marami pang personalidad ang posibleng maharap sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Sabado.
“We have information that there are several na ma-isyuhan pa ng warrant ng ICC,” ani Matibag.
Tiniyak naman niya na handa ang NBI na ipatupad ang mga posibleng warrant sa oras na mailabas ang mga ito.
“It doesn’t matter who he is or kung ano man krimen niya. Basta may warrant, meron talaga kaming protocol na. So, kung may lumabas na additional warrant of arrest, we are always ready to enforce and to serve the warrant,” dagdag pa niya.
Ginawa ni Matibag ang pahayag sa gitna ng patuloy na paghahanap ng mga awtoridad kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na nahaharap sa warrant of arrest mula sa ICC kaugnay ng kasong crime against humanity bunsod ng war on drugs.
Matatandaang sinubukan ng NBI na isilbi ang warrant kay Dela Rosa sa Senado noong nakaraang linggo, ngunit inilagay ito sa protective custody ng Senado. Gayunman, umalis ang senador sa gusali noong Mayo 14.
Trending
- Mommy patay sa hambalos ng bakal ng anak
- PNP nagpatupad ng balasahan sa 7 senior officer
- Old Zigzag Road sa Quezon sapol ng landslide
- Leptospirosis, sumikad sa Maynila; ilang ospital puno na
- Gilas coach Cone nananalig sa All-Filipino crew
- Faney, nag-propose kay Alex Eala
- Bea, mahilig ‘kumalabit’ kay Vincent
- Elijah, kinumpirma ang hiwalayan kay Miles, todo denay na cheater

