Ang Local Government UNIT ng Navotas (LGU) ay namahagi ng mga cash incentive sa mga Navoteño na nagtapos ng Alternative Learning System (ALS), na kinikilala ang mga mag-aaral na nagsipagtapos ng kanilang pag-aaral sa labas ng traditional school setting.
Ang inisyatibang ito na ipinatupad sa ilalim ng City Ordinance No. 2025-01, ay nagpapalawak ng saklaw ng programa ng insentibo ng lungsod, na dati ay kinabibilangan lamang ng mga nagtapos sa elementarya at senior high school mula sa mga pampublikong paaralan.
Umabot sa 246 ALS graduates ang nakatanggap ng insentibo ngayong taon: 33 elementarya, 116 junior high, at 97 senior high school completers ay nakatanggap ng ₱500, ₱1,000, at ₱1,000 bawat isa, ayon sa pagkakabanggit.
Kabilang sa mga ito ay sina Nazareta Padilla, 67, at Herminigilda Roque, 63, na nagpatunay na walang edad ang pag-aaral.
“Ayon kay Mayor Jhon Rey Tiangco ang mga Navoteño ALS graduates deserve recognition and support for their determination to seize a second chance at education and turn their dreams into reality.
Pinuri rin niya ang limang ALS senior high graduates na nakatapos ng Caregiving NC II program sa San Rafael Technological and Vocational High School at mula noon ay natanggap na sa Navotas City Hospital.
“Education opens doors, and in this case, it opened employment opportunities for our ALS graduates right here in our own city hospital,” dagdag ng alkalde.
Nagpaabot din ng suporta ang pamahalaang lungsod sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Navotas City Jail na matagumpay na nakatapos ng kanilang pag-aaral sa ALS.
“Neither bars nor age can hinder someone with the will to learn and improve. Every Navoteño who chooses education chooses a better future—for themselves and their families, and for our city,” sabi ni Tiangco.
“By expanding our incentives program, we reaffirm our belief that every learner matters, and that education remains a powerful tool for personal and community transformation,” dagdag niya. (Roger Panizal)
Trending
- Alex Eala nakakuha ng bye sa unang round
- Giannis bumalik tinalo ng Celtics ang Bucks
- Canino ng La Salle at Ybañez ng UST, nagpapalakas
- Mga Pinay, pupunta sa Gold Coast para makabawi vs South Korea
- Karla Estrada sa mga bashers ng anak:’Di ko ito palalagpasin’
- Tapat na trabaho ‘di kailanman nakakahiya – Tuesday Vargas
- Alden Richards pinarangalan Most Valuable Taxpayers 2025
- Online selling nagbigay kay Kiray Celis ng ‘di kayang gawin ng pag-arte
