Mistulang pinatahimik ni Nadine Lustre ang kumakalat na tsismis na buntis siya matapos niyang i-flex nang todo ang kanyang abs sa latest Instagram post.
Nagpaayuda ng kaseksihan ang aktres habang nasa Hawaii, kung saan rumampa siya suot ang light yellow crop top at low-waist shorts habang beach ang kanyang backdrop.
Kitang-kita sa mga litrato ang flat tummy at abs ni Nadine, kaya para sa ilang fans, sapat na ang kanyang sexy photos para sagutin ang mga intrigerang nagpakalat ng pregnancy rumors tungkol sa kanya.
Nagsimula ang haka-haka nang dumalo ang aktres sa launching ng GQ Magazine sa Marriott Grand Ballroom kamakailan.
May ilang netizens kasi na nakapansin umano ng umbok sa bandang tiyan ni Nadine habang suot ang kanyang gown at mabilis itong binigyan ng malisya na baka nagdadalang-tao siya.
Wala namang kumpirmasyon mula kay Nadine tungkol sa naturang espekulasyon.
=====
Trending
- KORTE SUPREMA PABOR SA SENADO: 2/3 VOTE THRESHOLD
- Arquero naghari sa Masikhay Gambit Rapid Chess
- 3RD GOLD NG PINAS SINUNGKIT NI OBIENA; 18 MEDALS NA
- Kris Aquino, proud na proud sa bagong endorsement ni Bimby
- Nadine Lustre, pinatahimik ang buntis issue nang i-flex ang abs
- Anne Curtis itinangging ‘Salamat, Doc!’ ang ganda
- 𝐄𝐗𝐄𝐂. 𝐒𝐄𝐂. 𝐑𝐄𝐂𝐓𝐎, 𝐃𝐎𝐓𝐫 𝐈𝐍𝐒𝐏𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐄𝐒𝐒 𝐎𝐅 𝐍𝐒𝐂𝐑-𝐄𝐗 𝐂𝐋𝐀𝐑𝐊 𝐀𝐈𝐑𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
- Skechers, Maharlika nagkasundo sa Pickleball
