“It’s never too late to graduate!”
Galing ito mismo kay Nadia Montenegro na sa wakas ay nagtapos na ng high school nito lang March.
Dahil nga maagang pinasok ang showbiz, hindi na nakapag-high school ang tinaguriang Brooke Shields of the Philippines.
Hanggang Grade VI lang ang natapos ni Nadia.
Pero pinatunayan ng dating aktibong aktres that it’s never too late to obtain a high school diploma.
Natupad din ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS program ng DepEd.
Ipinangako pala ni Nadia na bago magtapos ng pag-aaral ang kanyang bunso ay sisikapin niyang siya naman.
Nadia realizes the importance of education kaya all-out support siya sa studies ng kanyang mga anak.
She also dreams of obtaining a college degree–ani Nadia na inaming nahirapan sa senior high.
Wala siyang binanggit kung anong kurso sa college ang balak niyang kunin.
Nadia mothers eight (8) children–siya ang pinakahuling gumradweyt.
Trending
- Banat ng mga kritiko, sinagot ni Knicks star Brunson
- Pag-congratulate ni Bianca kay SP Gatchalian, binarag
- Ogie, atat nang magka-apo kay Leila
- Nadia, HS grad @ 54
- Mga aral mula sa amang si Marcos Sr. inalala ni PBBM
- PPCRV kailangan ng 30K volunteers sa Bangsamoro polls
- Strait of Hormuz sarado ulit – Iran
- Pagbagsak ng presyo ng langis, sa US-Iran Agreement
