Natagpuan na ang nawawalang driver ng isang delivery company nang matukoy ang kaniyang sasakyan sa isang abandonadong lugar sa Sitio Datalanao, Brgy. Palavilla, Lutayan, Sultan Kudarat nitong Lunes ng hapon, Abril 13.
Kinumpirma ng mga awtoridad na ang puting L300 van na may plakang LAL 5619 ang parehong sasakyang iniulat na nawawala.
Sa loob nito, nadiskubre ang bangkay ng driver na nasa advanced state of decomposition na.
Kinilala ng pamilya ang biktima bilang si Francisco Pascua Cadenas, na ilang araw nang hinahanap nang mawalan ng komunikasyon noong Sabado.
Ayon sa ulat, huli siyang nakausap ng kaniyang pamilya noong Abril 11 nang mag-text siya na nasiraan umano ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Tulunan, Cotabato habang nagde-deliver ng mga parcel mula Davao City.
Gayunman, nagulat ang mga kaanak nang matagpuan ang sasakyan at ang bangkay ng biktima sa isang liblib na lugar sa Lutayan, Sultan Kudarat, na malayo sa kaniyang huling iniulat na lokasyon.
Dahil sa kondisyon ng katawan, tinatayang tatlong araw nang patay ang biktima bago ito nadiskubre ng mga residente bandang alas-4:00 ng hapon.
Patuloy na iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang lugar upang matukoy kung may naganap na krimen o kung posibleng may kinalaman ang pagnanakaw, lalo’t may karga itong mga parcel.
Isasailalim din sa awtopsiya ang bangkay upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay.
Samantala, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Lutayan Municipal Police Station upang matunton ang posibleng ruta ng sasakyan mula Tulunan hanggang sa lugar kung saan ito natagpuan.
Trending
- DUTERTE :ICC HATOL NGAYON
- ELECTION POSTPONEMENT “UNCONSTITUTIONAL”
- ROMUALDEZ PA-SINGAPORE,PINIGIL
- Bimby, Vic muling nagkita
- Jinkee, ibinida bonding sa apo sa LA
- DJ Jellie Aw inasar pa mga kontra sa lovelife nila ni Jam Ignacio
- Lakers, pinadapa ang Rockets
- Lanete handa na sa homecoming kasama ang Lyceum Juniors
