Pasabog ang rebelasyon ni Gee Canlas tungkol sa estranged partner niyang si Archie Alemania.
Aniya: “I found drugs in his car right where umuupo ako at kumakandong sa akin ‘yung anak ko. There were two sachets: ‘yung isa, ubos; ‘yung isa, kalahati laman.”
Pakiramdam daw ni Gee at that very moment, betrayed siya.
All along nga nama’y inakala niyang nagkaroon na ng deliverance si Archie tulad ng tukso.
“Parang binalikan mo ‘yung isinuka mo. And the worst part, 7 years na kami, so how long has this been happening?
Kinumpronta daw ni Gee si Archie, but the latter resorted to alibis.
Isinangkalan nito ang kaibigan niya.
Doon na daw hinamon ni Gee ng hiwalayan ang aktor kung hindi nito ititigil ang bisyo.
Ending–nagpaka-counseling daw sila.
Tinapat niya si Archie na baka may inililihim pa sa kanya.
Ang hindi ipinagtapat ng aktor, tinanggal siya sa seryeng Widow’ War.
Budget cut daw ang dahilan, without Gee knowing na may ginawa pala ito sa co-star na si Rita Daniela–sexual harassment.
Patuloy ni Gee: “The whole time, he was trying to cover a lie.”
Hindi man lang daw ini-imagine ni Archie ang kahihiyan ng ginawa niya–to think that both of her parents are pastors.
Dahil nagtatalo sila, umabot ‘yon sa pananakal ni Archie kay Gee–which happened twice spanning their seven-year marriage.
Kumbaga, all that was the proverbial straw that broke the camel’s back.
How sad.
Trending
- Angelica at Mark Andrew Yulo, may AI video sa simbahan; ‘pang-asar’ kina Carlos at Chloe?
- Dahil kay Alex Eala: PSC magtatayo ng mga tennis training center
- Beauty, nagpaka-hot sa amasona peg
- Bela, na-hold sa airport
- Albie imbiyerna kay Romualdez!
- 87% Pinoy kumpiyansang makaiwas sa scam, pero 76% takot pa rin
- PhilHealth saklaw ang hospital stay na walang 24 oras
- Kahit anong government ID sa payout ng pension
