Isang mapalad na ina ng tatlong anak ang opisyal nang naging milyonaryo nang personal na kubrahin ang kanyang napanalunang jackpot prize sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City nitong Lunes, Abril 13.
Kasama ang kanyang asawa, tinanggap ng ginang ang premyong nagkakahalaga ng mahigit P171 milyon mula sa Super Lotto 6/49 draw na ginanap noong Abril 7, 2026. Ang mga lumabas na numero 25-04-46-44-28-36.
Ibinahagi ng nanalo na tumaya siya ng halagang P50 para sa nasabing draw.
Ayon sa ginang na mula sa Gapan City, Nueva Ecija, mayroon siyang isang kumbinasyon ng mga “favorite number” na limang taon na niyang inaalagaan.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang kanyang itinayang Lucky Pick (LP) o mga numerong pinili ng computer, ang siyang nagbigay sa kanya ng suwerte.
Kuwento ng ginang, ang kanyang asawa ang nag-impluwensiya sa kanya na tumaya sa lotto dahil matagal na umanong naglalaro ang kanyang mister nito.
Ayon sa masuwerteng maybahay, gagamitin niya ang napanalunan sa pagpapaayos ng kanilang tirahan, pagbubukas ng negosyo at pagtatabi ng iba pa para sa edukasyon at kinabukasan ng kanilang tatlong anak.
Trending
- Zaldy Co balik ‘Pinas 1-3 linggo – DILG chief
- MAYWEATHER-PACQUIAOREMATCH: A 12-ROUND,$400-M PROFESSIONAL BOUT
- Eala sibak kay Fil-Can Fernandez sa Stuttgart
- Doncic, Reaves malabong maglaro sa playoffs kontra Rockets
- KC Concepcion inaming ‘in between’ sa pamilya nina Sharon at Gabby
- Kim Chiu, Sofia Andres nagsabunutan
- Heart Evangelista naospital sa anxiety
- 1 miembro ng Hizon robbery group todas sa bakbakan

