Nagpalitan ng pangako sa isa’t isa sina Kapuso Sparkle artist Mikee Quintos at Viva artist Heaven Peralejo.
Sa isang Facebook post ni Mikee nitong Linggo, Abril 12, ibinahagi niya ang video nila ni Heaven habang nasa loob ng umaandar na sasakyan.
“[S]taying single until they can love us as much as we love ourselves,” saad sa text caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Please mikeeee wag kang liliko ng gender ang ganda gandaa mo kasi kakainlove “
“Pag Ako walang nahanap Ikaw nalang kaya “
“Mukhang mlapit na tong 2 na to”
“Mukhang iba yata pagkakaintindi ko sa pinky ah I’m going to be coming green”
“hindi malabo itong dalawang to ang magkatuluyan “
“Sa ganda niyung Yan makakatagpo kayu ng lalaking mamahalin kayu,Basta unahin Ang Diyos”
“Kayo nlng MAs bet haha”
“May kaba akong nararamdaman hahahhaha naaamoy ko din hahahhaa”
Sa kasalukuyan, kapuwa single na ang dalawang aktres. Matatandaang Hulyo 2025 nang aminin ni Heaven na hiwalay na sila ng on-screen partner at special someone niyang si Marco Gallo.
Samantala, Abril 2025 naman noong kumpirmahin ni Mikee sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na tapos na ang relasyon nila ni Paul Salas.
Trending
- SENIOR CITIZEN : 40 PERCENT FARE DISCOUNT
- DIESEL SUBSIDY—P10/L; LPG, KEROSENE EXCISE TAX SUSPENDED
- “Pope Leo Strikes Back: Holy Words vs. Hot Tweets”
- Gilas Women makakaharap ang Lithunia sa finals ng FIBA 3×3 World Cup
- Alex Eala mapapalaban kay Leylah Fernandez sa Stuttgart
- Mikee Quintos, Heaven Peralejo may pinky promise sa isa’t isa
- Kiray Celis daig pa ‘Disney Princess’ sa piling ng mister
- Vice Ganda mala-dyosa ang atake sa Amanpulo
