
DALAWANG suspek sa motornapping ang naaresto ng Meycauayan City Police Station katuwang ang CDEU, PHPT-Bulacan, at MPD-DPIOU noong Hulyo 11, 2025.
Kinilala ni PLTCol Melvin Florida ang mga suspek na sina Alias JC, 23; at Alias JB, 28, kapwa residente ng Tondo, Maynila.
Nahuli sila bandang alas-3:00 ng madaling araw sa bisa ng impormasyon na nagturo kay Alias JC bilang isa sa mga sangkot sa motornapping noong Hulyo 7, 2025 sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City.
Ang ninakaw na puting Yamaha NMAX motorcycle na may plakang 819PZN ay narekober sa Maynila noong Hulyo 12.
Dinala ang mga suspek sa Meycauayan CPS para sa dokumentasyon at inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016).
Pinuri ni Pcol Angel Garcillano, Acting Provincial Director , ang mabilis na aksyon ng mga operatiba at ang koordinasyon ng mga yunit. Aniya, ito ay patunay ng tuluy-tuloy na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad at sa pagsusulong ng hustisya.