Patuloy ang aktibidad ng Mayon Volcano matapos maobserbahan ang pag-agos ng lava at pag-collapse sa timog-kanlurang bahagi nito noong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naitala ang lava effusion at collapse sa Mi-isi Gully bandang 8:52 p.m. noong Mayo 6, habang nasa ika-121 araw na ng tuloy-tuloy na effusive eruption ang bulkan.
Patuloy ring naglalabas ang Mayon ng nagliliyab na lava flows, pyroclastic density currents (PDC) o “uson,” at mga pagguho ng bato. Noong Martes, nakita ang “uson” na bumaba sa timog-kanlurang dalisdis dahil sa pag-collapse ng lava flow.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang PHIVOLCS ng lava flows, minor explosive events, episodic Strombolian activity, at panandaliang lava fountaining.
Naitala rin ang 11 volcanic earthquakes, 283 rockfall events, at 17 PDC signals.
Muling nagbabala ang PHIVOLCS na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa patuloy na panganib.
Trending
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation sa 11-anyos
- Mayon patuloy sa pagbuga ng lava
- 2 kelot nanugod na may kasamang pagbabanta sa isang bahay
- 2 sales agent hinoldap na, pinatay pa
- 12 katao, patay sa dengue sa Quezon City
- DOJ: Leviste, iba pa inireklamo ng DOE
- NBI dumepensa sa pekeng “marked money”

