Kalat na ang tsikang may malalim na isyu sa pagitan ni Matteo Guidicelli at management ng isang network.
Dito umeere ang show niyang Matteo G.
Diumano, bunsod ito ng guesting ni Matteo sa Frontline Pilipinas, na nasa ibang network naman, kamakailan.
Nasa Frontline sa TV5 si Matteo para i-promote ang Patriots, ang kanyang 12-episode docu-anthology series.
Si Matteo ang host nito at mapapanood sa TV5.
‘Yun umano ang mitsa, dahilan para malamatan ang relasyon nila ng nasabing network.
October 2025 when Matteo inked a contract sa nasabing network, na nagbigay-daan sa kanyang partisipasyon sa Agenda.
Nitong April 11 naman nagsimulang umere ang Matteo G Primetime.
Agad itong lumikha ng ingay dahil sa kanyang mga panauhin–Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo; Piolo Pascual, Nico Bolzico at Erwan Heussaff.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
