Matet de Leon hindi basta nagpapatalo sa kanyang mga bashers.
“Patola” uli ang aktres sa mga netizens na patuloy siyang binubuwisit, kasama ang kanyang mga kapatid na inampon din ng kanilang inang si Nora Aunor.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Matet ng screenshot ng komento ng isang netizen na kanya ring binanggit ang pagkakakilanlan.
Ikinukuwestiyon ng netizen ang pahayag ni Matet na may kinalaman sa mana nilang magkakapatid.
Ayon sa netizen: “Nagwala ka nga dahil sa tuyo, anong pinagsasabi mong mana? Ingrata ka rin…
“Dapat thank you na lang. Baka nga mga call girl at call boy kayo kung hindi kayo in-adopt ni Nora. Kakapal n’yo rin. As if inalagaan n’yo siya noong nagkasakit si Nora…
“Nasaan kayo bago namatay si Nora? Second kasal nga ni Lotlot, di siya inimbita. Ipokrito n’yo!”
Tulad ng inaasahan, hindi ito pinalampas ni Matet.
Bilang tugon, sinabi niya: “Sulat n’yo na lang sa diary n’yo ‘yan. Tapos, isaksak n’yo sa puwet n’yo (crying laughing emoji)!”
Patuloy pa ni Matet: “Galit na galit si manang sa aming mga KAMPON???”
Itinag ng aktres ang naturang basher, sabay tanong kung ano ang problema nito sa kanilang magkakapatid.
“At sa mga tuwang-tuwa sa ipinost niya, ano ba? Kaawaan at patawarin kayo ng Panginoon!” pahabol ni Matet.
Lubayan n’yo na kasi ang mga ampon ni Ate Guy—who must be turning in her grave.

Share.
Exit mobile version