Itinuturing ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na mga biktima rin ng trahedyang naganap sa Aurora ang lahat ng mga manlalaro ng Ateneo Men’s Basketball Team na naroon sa insidente.
Sa isinagawang administrative review, sinabi ng UAAP Board na isinaalang-alang nito ang findings ng mga ahensya ng pamahalaang nagsagawa ng imbestigasyon.
Ayon sa Board, wala umanong rekomendasyon mula sa mga investigating government agencies na panagutin ang mga student-athletes na naroon sa insidente.
“In its administrative review, the Board noted the findings of the investigative government agencies, which did not make any recommendation to hold liable the student-athletes present at the incident,” anang pahayag ng UAAP noong Biyernes, Agosto 7, 2026.
Dagdag pa nila, “With this, the Board also recognizes that the Ateneo men’s basketball student-athletes are themselves victims of this tragedy.”
Binigyang-diin ng UAAP Board na batay sa resulta ng mga isinagawang imbestigasyon, walang nakitang batayan upang panagutin ang mga manlalaro kaugnay ng insidente.
Samantala, kaugnay nito, inihayag din ng pamunuan ng naturang liga, na muli nilang pahihintulutan ang Ateneo na sumali sa paparating na sa season 89.
“The Ateneo men’s basketball team shall remain eligible to compete in UAAP Season 89,” anang UAAP Board.
Habang permanenteng ipinagbawal ng UAAP ang dating Ateneo men’s basketball coach na si Thomas Anthony “Tab” Baldwin sa lahat ng UAAP competitions at kaugnay na aktibidad.
Sinuspinde rin ng UAAP ang team manager na si Christopher John Quimpo, mga assistant coach na sina Dean Caesar Castaño, Sandro Nicholas Romero Soriano, Reynaldo Jacinto Jr., Hernan Ameer Domingo, Caesar Vincent Javellana Elumba at Grant Dearn, gayundin ang physical therapist na si John Eric Rueca.
======
Trending
- Bacaro, Colonia nagwagi ng medalya sa Uzbekistan
- Manlalaro ng Ateneo Men’s basketball , biktima rin
- Liza Soberano unti-unting naaabot ang Hollywood dream
- Sophia Laforteza pahinga muna para sa mental health
- Awra Briguela binalikan ang nagawang pagkakamali
- NEA dapat tutukan ang rural electrification program
- ‘Di susuko ang Pilipinas sa Bajo de Masinloc
- Robin Padilla, misis ni Bato nagkita sa Davao
