tesssssstt

Nanaksak ang isang selosong mister nang ma-bully na maliit ang ari, nito ng isang security guard na pinaghihinalaan niyang lover ng kanyang misis sa Toril District sa lungsod ng Davao noong Martes ng umaga.

Ang suspect na itinago sa pangalang Joaquin, 37-anyos, tricycle driver na bigla na lamang sinugod ng saksak ang 33-anyos na guwardyang si alyas Allan, na sinasabi niyang kalaguyo ng kanyang misis na security guard rin, sa isang tindahan na binabantayan ng biktima.

Sa report ng Davao City Police, bukod sa pang-iinsulto na maliit ang ari, selos ang nakikita nilang dahilan ng pananaksak ni Joaquin sa biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inamin ng salarin na nagawa niyang saksakin si Joaquin dahil sa matinding galit sa biktima at kaniyang misis na kasamahan nitong guwardiya.

Nahuli umano niya minsan ang dalawa na magkasama at umano’y malapit sa isa’t-isa habang nakita rin niya ang larawan ng dalawa sa cellphone ng kaniyang misis.

Sa pahayag ng ginang sa pulisya, sobrang seloso aniya ang kaniyang mister na madalas siyang binubugbog sa loob ng 16 taon nilang pagsasama.

Samantala, labis na ikinagalit ng salarin na pinagtawanan siya ng biktima at sinabing maliit ang kaniyang ari kaya binalikan niya ito at pinagsasaksak.

Sa ulat, nagtamo ang suspek ng dalawang tama ng saksak na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Nakapiit ang salarin at nahaharap sa kasong frustrated murder dahil lumilitaw na planado ang ginawang krimen.

Share.
Exit mobile version