Hindi pa rin sumusuko ang Liberal Party sa pag-asang mapapabago pa ang desisyon ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na huwag tumakbo sa 2028 presidential election.
Ayon kay Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima, patuloy ang kanilang paghahanda at paniniwala na maaari pang makumbinsi si Robredo na muling sumabak sa mas mataas na posisyon.
“Sinabi nga ng aming presidente, ang presidente ng LP si former Congressman Erin Tañada na in so far as LP is concern umaasa kami, parang ang mindset namin si VP Leni ay tatakbo kaya preparations namin is in that direction or in that regard,” ani De Lima.
Dagdag pa niya, nananatiling bukas ang partido sa posibilidad ng ibang kandidato, ngunit malinaw ang kanilang direksyon sa kasalukuyan.
“As of now hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa that VP Leni, Mayor Leni would change her mind at give it a go again for the presidency kasi nakikita po namin siya na pinakamalakas na puwedeng makatalo kung hindi po ma-convict si VP Sara. Siya po ang may pinakamalakas na chance na makatalo kay VP Sara,” ayon pa kay De Lima.
Giit pa ng mambabatas, hindi lamang LP ang patuloy na kumukumbinsi kay Robredo kundi maging iba pang personalidad at grupo.
“Hindi lang kami taga LP, meron pa pong ibang personalidad na kumakausap sa kanya at kumukumbinsi sa kanya,” dagdag niya.
Una nang inanunsyo ni Robredo na hindi siya tatakbo sa 2028 at mas pinili nitong ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang alkalde ng Naga City matapos ang pagkatalo sa 2022 presidential race.
Trending
- Timberwolves at Knicks, umusad sa NBA Playoffs
- NU Nazareth-B, tinalo ang hamon ng UB na maghari sa Shakey’s Division 2
- Jane Oineza nabitin kay Joshua Garcia
- Resort ni Angelica, ginagamit sa scam
- Ronnie Alonte, kinasuhan mga invited sa kasal
- US Embassy nagbabala sa operasyon vs NPA
- DFA binabantayan ang asylum application ni Zaldy Co
- PBBM: Edukasyon, kayamanang hindi mananakaw

