Nasawi ang lider ng Magsanoc criminal group at naaresto ang dalawang tauhan nito sa naganap na engkwentro sa pagitan ng pulisya sa kanilang pagresponde sa Purok 6, Brgy. Calinaoan Sur, Delfin Albano, Isabela.
Kinilala ang biktima na si alyas “Fernando,” isang magsasaka at residente ng nasabing barangay na kasalukuyang nasa pagamutan para sa medical treatment matapos na barilin ng mga suspek.
Matapos ang pamamaril sa biktima ay agad na tumakas ang mga armadong indibidwal patungong hilagang direksyon ng bayan ng Sto Tomas, Isabela.
Sa agarang pagresponde ni PMaj. Glanert Cabeliza, hepe ng Delfin Albano Municipal Police Station matapos matanggap ang ulat sa kanilang duty Motorcycle Patroller ay agad na nagsagawa ng hot pursuit operation katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Isabela PPO, Sto. Tomas MPS, 1st Isabela Provincial Mobile Force Company, at Regional Mobile Force Battalion 2.
Natunton ng mga operatiba ang mga suspek sa Brgy. Barunbun, Sto. Tomas, Isabela, kung saan nauwi ito sa isang armadong engkwentro na ikinasawi ni Nicolas Domingo Magsanoc na kinilalang lider ng Magsanoc Criminal Groio at kabilang sa drugs watchlist.
Habang ang naaresto ay kinalalang si alyas Jojo isang High-Value Individual (HVI) na kabilang din sa drug watchlist at residente ng Brgy. Calaocan, Delfin Albano, at si alyas Rogelio residente ng Brgy. Namnama, Tumauini, Isabela.
Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na mabilis, organisado, at mataas na antas ng koordinasyon ng mga operatiba ang naging susi sa agarang pagkakakilanlan at pagkakadakip sa mga suspek na nagresulta sa pagkakabuwag ng natitirang elemento ng isang kilalang criminal group sa lalawigan.
Pansamantala naasa kustodiya ng pulisya ang dalawang naaresto para sa kaukulang dokumentasyon para sa isasampang kaso laban sa kanila.
Trending
- Pinas, magho-host ng 2026 Asia and Oceania Sambo Championships sa Hunyo
- Alex Eala, handa na para sa Madrid Open WTA 1000
- Enchong Dee ibinunyag masamang karanasan sa Air France
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Crime gang leader todas sa engkuentro sa Isabela
- Lider ng Magsanoc group patay, 2 huli sa engkuentro
- 2 katao patay sa sumabog na acetylene tank
