Mag-aalok ang pamunuan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ng libreng sakay sa limitadong oras sa mismong Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
Sa inilabas na advisory ng Department of Transportation-MRT-3, maaaring ma-avail ng mga mananakay ang libreng sakay sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3.
Ang mga oras na maaaring ma-avail ang libreng sakay ay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang naturang inisyatiba ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang at pagmamalaki sa kalayaan ng ating bansa.
Trending
- Weljon Mindoro haharapin ang Mexicano sa California
- PH lalahok sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships
- Maxene, tinawag na Pambansang Balakang
- Vice, pinalakpakan sa UP graduation
- Mariel, in-unfollow sina Anne, Pokwang, Angelica, at Papa P
- Imbes na umangat, bumaba pa ang tubig sa Angat Dam
- Ilog sa Antipolo, ‘bumula’
- Meyor , umamin nag-counterflow at sumalpok sa van

