Sinabi ni Naga City Mayor Leni Robredo na hindi na siya tatakbo sa anumang national position sa 2028 elections.
Ayon sa dating bise presidente, mas nais niyang ipagpatuloy ang serbisyo sa kanyang bayan dahil marami pa siyang kailangang tapusin sa Naga City.
“Sigurado na ako sa sarili ko na hindi na ko ma-national,” ani Robredo.
Ipinaliwanag niya na bagama’t may mga nagawang pag-unlad, marami pa ring dapat ayusin sa lungsod. “Sa tingin ko considerably, ma-a-achieve naman natin ’yong mga sinet na… pero beyond that marami pang gagawin,” dagdag niya.
Ayon pa sa kanya, maikli ang tatlong taong termino bilang alkalde para matapos ang lahat ng plano, dahil kailangan ding dumaan sa bureaucracy at may mga bagay na hindi niya kontrolado.
“Ako sa tingin ko, ang three years maiksi. Maiksi siya para gawin ang lahat,” aniya.
Idinagdag din niya na malamang ay maghahain pa siya ng ikalawang termino bilang mayor.
Bagama’t may mga panawagan na tumakbo siya muli sa national level, sinabi niyang nakatuon siya ngayon sa mga pangangailangan ng Naga City.
Noong 2025, naging kauna-unahang babaeng alkalde si Robredo ng Naga City.
Trending
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation sa 11-anyos
- Mayon patuloy sa pagbuga ng lava
- 2 kelot nanugod na may kasamang pagbabanta sa isang bahay
- 2 sales agent hinoldap na, pinatay pa
- 12 katao, patay sa dengue sa Quezon City
- DOJ: Leviste, iba pa inireklamo ng DOE
- NBI dumepensa sa pekeng “marked money”

